Lunes, Disyembre 5, 2011

Kwentong Bayan at Bayanihan

Bayani? isang salita na kay sarap pakinggan ngunit kung ating bubusisiing mabuti, itoy may napakalaking responsibilidad na tangan. Kung noon, sina Rizal at Bonifacio ang icon ng mga bayani, marahil ay walang tutol o duda ang bawat isipan ng mga Filipino, pero ngayon, kapag sinasabing bayani, tila baga, ang hirap ng hanapin ng salitang ito sa katauhan ng bawat Filipino. Taliwas sa mga ipinapangako ng mga taong bayani sana ng ating lipunan, kinakain lamang nila ang kanilang mga salita at kung mangakoy daig pa ang dios at tayoy dadalhin nila sa langit, ngunit pag nakuha na nila ang kanilang gusto, ayon,silay naglalaho na na parang walang iniwan na pangako sa ating mga Filipino. Oo, ang tinutukoy ko ay ang ating mga pinuno, mga edukadong pulitiko na nagsisilbing anay ng isang matayog na pundasyon sana ng isang bansa. sila sana ang nagsisilbing inspirasyon sa ating mga Filipino, pero sa halip na maging inspirasyon sila sa tamang landas, sila pa ang nagiging modelo ng karamihan kung paano magnakaw ng hindi napaparusahan. Minsan tuloy naitanong ko sa aking sarili, ang pulitika ba sa ating bayan ay isang uri ng negosyo?kakapital ka ng malaki tuwing eleksyon at babawiin mo naman ito kapag ikaw ay nalukluk na sa iyong pwesto. Tunay nga bang ganito na ang sistema't kalakaran sa bayan ni Juan? Paano na ang mga paghihirap ng ating mga tunay na bayani noon? ganun-ganun nalang ba ang kahihinatnan ng pagbubuwis nila ng buhay para sa ating sariling kalayaan at kasarinlan? kelan kaya matatapos ang walang tigil na kasakiman ng mga piling pamilyan naghahari-harian sa ating bansa?hindi naman yata patas sabihin na ang Pilipinas ay isang demokratiko at pantay na bansa kung ang isang suspek na mahirap ay ikinulung kaagad ng walang sapat na ebedinsya habang ang mga ampatuan ay hanggang ngayo'y di pa napaparusahan o di kaya'y si Gloria Arroyo ay may special treatment sa kanyang kinalalagyan. Sino ba ang ating sisisihin sa mga pangyayaring ito? kanino ba tayo maghahanap ng patas at tamang pagtrato kung mismong ang mga taong pinagkakatiwalaan natin na gumawa ng batas ay sila pa mismo ang sisira nito?

Madaling humusga at madaling manghusga sa kapwa, ito ay bahagi na ng ating sistema, pero kung ang paghuhusga ay di patas, ito naman ay di na tama. Kung ang isang bansang may 90 milyon na tao at pinaghaharian lamang ng iilang pulitiko, ano ang mangyayari dito? Paano tayo babangon kung sa ating pagbangon ay dilim at gutom ang sasalubong sa atin? paano tayo magsisimula kung ang naghahari ay kasakiman, korupsyon, at walang tigil na bangayan ng kani-kanilang sariling interes? paano tayo tatahak sa tuwid na landas kung walang taong maglalakas loob na gabayan tayo upang tayo'sy di na muling madapa pa? sanay maging makatutuhanan ang mga taong nangakong tayo'y kanilang pagsilbihan at sana'y manaig ang kabutihan sa mga taong naghahangad ng sariling inters lamang upang sa ganun ay magkaroon naman tayo ng tunay na bayaning mag aahon sa atin sa kasadlakan at magbibigay sa atin ng bagong umaga.

Walang mga komento:

Mag-post ng isang Komento